Nakahanda na ang Maritime Security Law Enforcement Command (MARSLEC) ng Philippine Coast Guard (PCG) sa banta ng Bagyong Betty.
Maging ang Philippine Coast Guard (PCG) District Western Visayas at PCG District BARMM ay nakaalerto na rin para sa agarahang evacuation o rescue operations.
24/7 din ang pagbabantay ng PCG sa mga pantalan para matiyak ang kaligtasan ng mga naglalayag na barko, bangka, at iba pang sasakyang pandagat.
Patuloy rin nilang pinapaalalahanan ang mga tripulante at mangingisda hinggil sa pinakahuling lagay ng panahon para maiwasan ang anumang sakuna sa karagatan.
Samantala, suspendido na ang byahe ng LCT Poseidon 17 at LCT Poseidon 35 ng ALD Sea Transport mula Padre Burgos, Southern Leyte patungong Lipata, Surigao simula ngayong tanghali, May 26 dahil sa banta ng super typhoon.
Pinapayuhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang lahat ng mg apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa concerned shipping lines para sa karagdagang detalye.