RESEARCH COLLABORATION NG MGA ACADEMIC INSTITUTION SA PANGASINAN, ISINUSULONG PARA SA SUSTAINABLE DEV’T

Patuloy na isinusulong ng mga academic institution sa bansa ang kahalagahan ng research o pananaliksik bilang instrumento tungo sa kaunlaran.

Sa Pangasinan, naniniwala ang mga unibersidad na magbibigay ng malaking pagbabago ang mga isinasagawang pag-aaral sa inobasyon ng iba’t-ibang sektor tulad ng teknolohiya, negosyo, agrikultura, at social science.

Ayon kay Dr. Feliza Arzadon Sua, President ng Universidad de Dagupan, hindi na umano mahalaga kung sino ang magaling sa pananaliksik dahil iisa lamang ang layunin na matulungan ang mga sektor ng bansa.

Binigyan diin din ni PSU Vice President for Research, Extension, and Innovation, Dr. Razeale Resultay, mainam ang kolaborasyon ng mga unibersidad para sa maabot ang sustainable development ng bansa.

Kamakailan, lumagda sa isang kasunduan ang mga academic institution sa Pangasinan sa ginanap na Conference on Technology, Social Science, Business, Agriculture, and Fisheries (ICTSBAF) 2025, na nagbibigay-daan upang mas makatulong pa sa mga pangangailangan ng mga komunidad.

Facebook Comments