Research equipment nakitang ibinaba ng isa sa 3 research vessels ng China sa West Philippine Sea

Maliban sa Chinese research vessel na “Shen Kou” na namonitor sa silangan ng Catanduanes, na-monitor din ng Armed Forces of the Philippines ang 3 Chinese research vessels sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodre Roy Vincent Trinidad, iniulat sa kanila nitong April 29 ang 3 barko ng China na una na nilang namataan bago matapos ang 2023.

Gayunman, wala namang mga aktibidad na ginagawa ang 3 barko ng China sa lugar.


Samantala, na-monitor din nila na nagbaba ng “unidentified equipment” ang Shen Kou sa East ng Catanduanes na posibleng gamit sa maritime research.

Inangat umano ang equipment at binaba mula sa barko pero hindi naman ibinagsak sa dagat base narin sa kuha ng Philippine Air Force (PAF).

Kasunod nito nakikipag ugnayan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine Coast Guard (PCG) para malaman kung ano ang posibleng banta na ginawa ng Chiense research vessel.

Facebook Comments