Research findings ng OCTA Research Team, hindi dapat isikreto – VP Robredo

Walang dahilan para isikreto ang research findings ng mga medical expert na nag-aaral sa COVID-19 situation sa bansa.

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod ng payo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa OCTA Research Team na pribadong iparating sa Malacañang ang mga rekomendasyon nito kaugnay ng quarantine restrictions na dapat ipatupad sa mga lugar na may mataas na local transmission ng virus.

Ayon kay Robredo, public data ang research kaya dapat lang na malaman ito ng mga tao.


Aniya, walang punto para ilihim ang datos lalo na kung susundin naman ito sa pagdedesisyon ng gobyerno.

“Yung pagkuha nila ng data very scientific. So ang pinaka-purpose lang naman nito Ka Ely, para maging gabay siya sa pagdedesisyon. Walang punto para isikreto. Ang nakikita ko lang na dahilan para ilihim, ‘yung pagdedesisyon hindi nakasunod sa datos pero kung nakasunod naman sa datos hindi naman kailangang ilihim,” ani Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN.

Facebook Comments