RESERVIST | Mandatory ROTC training, kumpirmadong ipinapatupad na sa Grade 11, 12

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sinimulan nang ipatupad ngayong taon sa Grade 11 at 12 ng halos 100 pampublikong secondary school sa bansa ang mandatory ROTC training.

Sa budget hearing ng Senado ay sinabi ni Lorenzana na hinihintay na nila ang pagpasa ng Mandatory ROTC Law para maipatupad ito sa buong bansa kasama ang mga pribadong eskwelahan.

Ang pahayag ay ginawa ni Lorenzana nang usisain ni Senator Sherwin Gatchalian ang kalagayan ng reservist sa bansa at kung papaano ito madagdagan.


Ayon kay Lorenzana, ang kanilang “vision” ay magkaroon ng apat na reservists sa bawat isang regular na sundalo at magkaroon ng isang batalyong reservist sa bawat probinsiya pra tumugon kapag may kalamidad at emergency.

Pero ayon kay Lorenzana, hindi nila ito makakamit ngayon dahil kulang ang pondo.

Kaugnay nito, ipinasusumite ni Gatchalian kay Lorenzana ang kailangang pondo para sa 2019 para sa mga reservist.

Facebook Comments