Reservists ng AFP sa NCR, tinipon

Manila, Philippines – Tinipon ng Armed Forces of the Phil. ang kanilang reservists na nakabase dito sa National Capital Region.

Ito ay sa harap na rin ng nagpapatuloy na operasyon ng militar laban sa teroristang grupo at iba pang lawless elements.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo ang kanilang mga reservist o tinatawag nilang Ready Reserve units o RRUs ay kanilang inihahanda para sa posibleng deployment .


Sa initial assembly na ginawa sa grandstand ng AFP General Headquarters 112 na opisyal at 555 enlisted ng RRUs sa NCR ang dumating na posibleng madagdagan pa sa mga susunod na araw.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na ang ginawang physical accounting sa mga reservists ay napakahalaga upang matukoy ang kahandaan ng mga ito sa pagtugon sa tinatawag na call of duty.

Paliwanag pa rin ni Arevalo na ang hakbang na ito ay bilang pagsunod din sa nakasaad sa batas na ang lahat ng reservists ay kailangang maging handa upang magbigay ayuda sa tropa ng pamahalaan sakaling kulangin ang kanilang pwersa sa panahon ng giyera.

Facebook Comments