RESIBO SA PAGABABAYAD NG KOLEKSYON NG BASURA SA MANGALDAN, IGINIIT

Tinalakay sa Mangaldan ang paghihigpit sa pagbibigay ng official receipt ng mga barangay tuwing nangongolekta ng basura sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon sa isang opisyal, sumasalamin ito sa transparency sa usaping salapi upang mapunta ang pondo sa mga kaukulang proyekto at programa sa bayan.

Matatandaan na umabot sa tinatayang P7 Million ang hindi nasingil o naremit na garbage fee sa ilang barangay na kadalasang idinidiin sa pahirapang paninigil umano ng ilang residente.

Nagkakahalaga ng P25 kada lingo o P100 kada buwan ang singil para sa koleksyon ng basura.

Nagkaroon na rin ng paunang pagpupulong ang lokal na pamahalaan sa mga barangay ukol sa isyu upang tuluyan na itong maresolba.

Giit ng tanggapan, mahalagang masingil ang naturang pondo mula sa koleksyon dahil inilalaan din ito sa pagbabayad ng pagbyahe ng mga residual wastes sa sanitary landfill. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments