Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ng P3,000 ang mga indibiwal na labis na naapektuhan ng katatapos na kalamidad partikular na ang Barangay Dassun sa Solana at Barangay Lanna, Enrile, Cagayan.
Ito ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)region 2 katuwang ang ilang ahensta
Pinangunahan ang nasabing pamamahagi ng ayudad nila Assistant Regional Director for Operations Lucia Alan kasama sina Assistant Secretary for Mindanao Operations Jade Jamolod, Assistant Secretary ng Department of Trade and Industry Flor Amate, at ilang staff ng Office of the President at Senator Bong Go.
Ibinahagi rin ng mga opisyal ang iba pang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay naman ng kapital para sa mga maliliit na negosyo.
Bukod dito, ibinahagi rin mula sa tanggapan ng Pangulo ang ilang paraan at mga kinakailangang probisyon para sa pagkakaroon ng medical assistance ng isang indibidwal.
Tiniyak naman ng ahensya ang tuloy-tuloy na pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya dahil sa naranasang malawakang pagbaha sa Cagayan.