Sinampahan ng kaso ng Globe Telecom ang residente ng Dasmariñas Village Association Inc. na si Betty Aw matapos na pigilan nito ang pagtatayo ng cell sites sa nasabing subdivision sa Cavite.
Nabatid na nagkakalat ng chismis si Aw na makakasama umano sa kalusugan ng mga residente ang itatayong cell sites dahil sa radiation na idinudulot ng mga antena nito.
Pero, binigyang diin ng Globe hindi ito totoo at ang kilos ni Aw sa pagpapakalat ng maling impormasyon ay malinaw na pag abuso sa kanyang karapatan.
Nilinaw din ng Globe na ang batay sa center for device regulation, radiation health and research, ligtas sa publiko ang power density level ng radio frequency radiation na itinakda ng kompanya.
Facebook Comments