Residente ng Naga City,Nalunod sa Isang Swimming Resort sa Buhi, CamSur

Ngayong Summer, Enjoy Mag-Swimming, Pero Mag-Ingat Para Maiwasang Malunod
Patay ang isang taga-Naga City matapos itong malunod sa isang resort sa Lake Buhi sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si John Peralta, edad 30 at residente ng Barangay Calauag, Naga City.
Ayon sa report ng Buhi PNP, kasama ni John ang kanyang live-in partner at mga ka-tropa at nag-swimming sa isang resort sa bayan ng Buhi sa Camarines Sur.
Habang nagkakasayahan at naliligo ang grupo, hindi namalayan ng biktima na napapunta siya sa malalim na bahagi ng paliguan at minalas na nalunod.
Sinabi pa sa report na pinagsikapan pa umano siyang agapan at iligtas ng kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng pagdala sa kanya sa Buhi Community Hospital subalit deniklara na siyang dead on arrival ng attending physician.
Kaugnay ng insidenteng ito, nagsagawa ng occular inspection ang kapulisan ng nasabing resort sa bayan ng Buhi partikular sa bandang kinalulunuran ng biktima.

Facebook Comments