Binigyang diin ng alkalde ng Dagupan sa kanyang mensahe ang mga island barangays sa Dagupan City, ang mga barangay ng Calmay, Salapingao, Lomboy at Pugaro patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng maraming puno.
Kabilang ang mga itatanim na mga punla sa magiging proteksyon ng barangay laban sa mga kalamidad partikular ang mga bagyo at pagbaha.
Bukod dito, nabanggit din ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno para sa food security at sustainability ng isang barangay.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang nasabing pagtatanim at pag-uusapan ang iba pang detalye ukol dito pagkatapos ng mga nauna ng aktibidad sa lungsod.
Samantala, ang naganap na pagtanim ng isang libong punla ng coconut at mangrove ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bangus Festival at alinsunod sa World Earth Day 2023. |ifmnews
Facebook Comments