Tuesday, February 10, 2026

Residential area sa Malabon, nasunog

Natupok ang ilang mga bahay sa nangyaring sunog sa Malabon City.

Partikular ang residential area sa Brgy. Maysilo kung saan nagsimula ang sunog ng alas-3:16 ng umaga.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog kung saan alas-4:37 ng ideklara itong fireout ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Pahirapan ang pag-apula ng sunog dahil sa sobrang kitid o masikip ang daanan na halos isang tao lang ang kakasya.

Patuloy ang pag-apula sa sunog kung saan nananatili ang mga apektadong residente sa loob ng pribadong warehouse.

Binutas na rin ang pader ng kabilang compound upang makapsok ang ilang mga bumbero upang tuluyan na maapula ang sunog.

Facebook Comments