Pasay – Siyam na pamilya ang nawalang ng tirahan matapos masunog ang isang residential area sa St. Jude Santos Street sa Maricaban, Pasay City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-7:44 kagabi kung saan mabilis kumalat ang apot sa mga dikit-dikit na bahay.
Inabot ng ikatlong alarma ang sunog at tuluyang naapula alas-9:30 ng gabi.
Isang babae ang napaulat na nasugatan sa insidente, habang anim na bahay ang nasunog.
Inaalam pa din kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok at maging ang pinagmulan ng sunog.
Facebook Comments