Residential area sa Sampaloc, Maynila, nasunog

PHOTO: Emman Mortega

This slideshow requires JavaScript.

Binulabog ng sunog ang isang residential area sa Sampaloc, Maynila.

Partikular sa may bahagi ng Ma. Luisa St. kanto ng Masbate Street.


Nagsimula ang insidente ng alas-7:31 ng umaga kung saan umabot lamang ito ng unang alarma bago idineklarang under control ng alas-8:20 ng umaga.

Ayon kay Kagawad Gilbert Concha ng Barangay 567, nasa apat na bahay na pawang gawa sa light mayerials ang nasunog kung saan nadamay din ang isang unit ng townhouse.

Inabot din ng apoy ang likuran bahagi ng mga bahay pero hindi naman ito naapektuhan dahil sa mataas na pader.

Magtatayo naman ng mga tent o tolda ang pamunuan ng barangay malapit sa kanilang tanggapan na magiging pansamantalang tutuluyan ng mga residenteng naapektuhan ng sunog.

Facebook Comments