Residential area sa Sta. Cruz, Maynila nasunog ngayong Linggo ng umaga

Nasunog ang isang residential area sa bahagi ng Elias St. sa Sta Cruz, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog kaninang alas-8:40 ng umaga.

Agad itong iniakyat sa unang alarma bandang 8:46 at nasa ikalawang alarma makalipas ang ilang minuto.


Hanggang ngayong alas-9 ng umaga, nasa 13 bumbero na ang rumesponde sa nagpapatuloy na sunog.

Facebook Comments