Residential House sa City of Ilagan, Nasunog!

147

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkakasunog ng isang residential house sa Brgy. Baculod, City of Ilagan, Isabela.

Sa inisyal na report na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, dakong alas 11:00 kagabi nang sumiklab ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ni Aileen Andres, 50 anyos, may-asawa na residente ng Zamora St. Brgy. Baculod, City of Ilagan, Isabela.


Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng City of Ilagan na nagsimula ang sunog dahil sa nakasinding kandila na iniwan sa loob ng bahay.

Naapula ang sunog ng pinagsanib na pwersa ng BFP at PNP Ilagan City dakong alas 12:00 kaninang madaling araw.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa nangyaring sunog.

Facebook Comments