Muntik nang masunog ang bahay na ito sa bahagi ng PNR site sa Dagupan City dahil sa posporo.
Ayon sa binatang nakatira sa nasabing bahay, itinapon umano nito sa basurahan ang sinindihan nitong posporo sa pag-aakalang namatay na ang apoy mula rito.
Sa hindi inaasahan, unti-unting nag-umpisa ang apoy sa basurahan at agad na nadamay ang mga plastic drawer at ilan pang gamit ng biktima.
Ayon sa kapitan ng barangay, agad na humingi ng tulong ang biktima nang napansin na lumalala na ang sunog sa nadamay na damitan.
Ginamit umano nila ang hose ng tubig na ginagamit pang-car wash para apulahin ang sunog at hindi na madamay ang katabing nga bahay.
Agad naman na naapula ang sunog habang agad din na rumesponde ang hanay ng BFP upang tiyakin ang kalagayan at hindi na muli pang sisiklab ang apoy sa nasabing bahay.
Walang naman nasaktan sa nasabing insidente.









