Manila, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto si Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan.
Sa flag ceremony kaninang umaga sa tanggapan ng CHED sa Quezon City, inanunsyo ni Licuanan ang kanyang pagbibitiw.
Ayon kay Licuanan, nakatanggap siya ng tawag mula sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kaya nagpasya na siyang mag-resign.
Pero hindi na idinetalye ni Licuanan kung ano ang napag-usapan sa nasabing tawag.
Sa katapusan pa sana ng Hulyo matatapos ang termino ni Licuanan sa pwesto.
Una nang napabalita na sobra-sobra din ang mga biyahe sa ibang bansa ni Licuanan.
Pero sinabi ng opisyal na lahat ng kaniyang biyahe abroad ay aprubado ng Malakanyang.
Ayon sa opisyal, noong 2017, walo ang kaniyang biyahe sa ibang bansa at lima lamang sa mga ito ang gastos ng gobyerno.