Resignation ng 18 opisyal ng PNP, hawak na ng personnel holding at accounting unit ng ahensya

Kinumpirma ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na nasa Personnel Holding and Accounting Unit ang 18 opisyal ng pulisya na tinanggap ang courtesy resignation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umano’y sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Ayon kay Acorda, sa ngayon hindi pa natatanggap ng PNP ang official copy mula sa Palasyo.

Aniya, hihintayin muna nila ang papel na magmumula sa tanggapan ng pangulo upang mabatid kung ang mga ito ay tuluyan nang sinibak sa serbisyo o sa pwesto lamang.


Matatandaang kahapon sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr., na “deemed dismissed” na ang 18 opisyal matapos tanggapin ng pangulo ang kanilang pagbibitiw.

Una nang sinabi ng PNP chief na magsisilbing ‘eye-opener’ sa kampanya kontra iligal na droga ang pagtanggap ni Pangulong Marcos Jr. sa courtesy resignations ng ilang opisyal ng PNP dahil sumasalamin lamang ito sa seryosong kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Facebook Comments