Resignation ni DBM Sec. Wendel Avisado, tinanggap na ni PRRD

146

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihaing resignation ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado.

Ito ay ayon na rin kay Executive Sec. Salvador Medialdea.

Matatandaang naka 2-week sick leave si Avisado na nagsimula noong Aug. 2 hanggang ngayong araw Aug. 13 dahil kinakailangan nitong magpahinga at magpagaling makaraang tamaan ng COVID-19.


Itinalaga naman ng pangulo si Usec. Tina Rose Marie Canda bilang Officer in Charge (OIC) sa DBM.

Facebook Comments