Resignation ni LTFRB Chairman Delgra, ipinanawagan ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Nagbanta si ACTS OFW Rep. John Bertiz kay LTFRB chairman Martin Delgra na ipapanawagan nito ang pagbibitiw ng chairman.

Giit ni Bertiz, malinaw ang mensahe sa social experiment ng LTFRB na talagang humihingi ng dagdag na pamasahe ang mga taxi drivers at tumatanggi pa ang mga ito sa pasahero.

Babala ni Bertiz na kung hindi aaksyunan ng LTFRB ang lumabas na resulta sa social experiment at hindi nasolusyunan ang mga patung-patong na reklamo ng mga commuters ay igigiit nito ang pagbibitiw ni Delgra.


Sinabi pa ng kongresista na karaniwang biktima ng mga taxi drivers ang mga OFWs.

Marami aniya siyang reklamong natatanggap tungkol sa mga taxi na nagpapataw ng sobrang taas na pasahe sa mga OFWs sa pag-iisip na galing ang mga ito sa abroad at maraming pera.

Araw araw aniya ay may 5,800 na mga OFWs ang paalis o kaya ay pauwi ng bansa.

Ang mga OFWs aniya ay karaniwang tao lamang na walang mga sariling sasakyan at madalas na nakakaranas ng panghaharass mula sa mga taxi.

Facebook Comments