Manila, Philippines – Hindi pa masabi ng Malakanyang kung iimbestighan si resigned Bureau of Corrections Director General Benjamin Delos Santos dahil sa kapabayaan nito sa nagpapatuloy na operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi dapat pangunahan ang mga prosesong pagdadaanan ng nasabing isyu.
Mas maganda aniyang hintayin na lang kung ano ang magiging resulta ng anumang gagawing pag-aaral o imbestigasyon sa usapin.
Nagpasalamat naman ang palasyo sa serbisyong ibinigay ni Delos Santos sa BuCor at good luck wishes sa mga tatahakin nito sa hinaharap.
Hindi naman masabi ni Abella kung tatanggapin ba ni Pangulong Duterte ang suhestiyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ang ipalit kay Delos Santos ay si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago.