
Hindi pababalikin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si dating Budget Sec. Amenah Pangandaman upang humarap sa kanilang pagdinig.
Ayon kay ICI Chairman Andy Reyes bagkus ang kanilang iimbitahan ay si Budget officer-in-charge Secretary Rolando Toledo.
Ani Andres, layon nitong talakayin ang pag-aaral sa budget process, bagay na tinumbok din sa nauna nang pagharap ni Pangandaman sa komisyon.
Matatandaang sinabi ng Malacañang na nagbitiw dahil sa delicadeza sina Pangandaman at Executive Sec. Lucas Bersamin matapos madawit sa flood control anomaly ang kani-kanilang tanggapan na kapwa naman nila pinabulaanan.
Ngayong umaga nakatakdang magtungo ang ICI sa Office of the Ombudsman para sa case referral sa mga sangkot sa mga maanomalyang proyekto ng pamahalaan.









