RESIGNED | Coach ng Spain nag-resign na matapos matanggal sa World Cup

Nag-resigned na bilang coach ng Spain national football team si Fernando Hierrro.

Ito ay ilang araw makaraang matalo ang koponan sa Russia sa FIFA World Cup.

Una na ring inanunsyo ni Andres Iniesta, ang former Barcelona Great ang kaniyang pagretiro sa international team.


Kung maalala naman si Hierro ang umako sa coaching job nang masibak si Julen Lopetegui ilang araw bago magsimula ang World Cup.

Hindi na rin babalik si Hierro sa dati niyang trabaho bilang federation technical director at tutunguhin umano ang “new professional challenges.”

Facebook Comments