Amerika – Kinumpirma ni White House Communications Chief Hope Hicks ang plano niyang pagbibitiw sa pwesto.
Pero giit niya, wala itong kaugnayan sa kanyang naging pagharap sa sa imbestigasyon ng kongreso kaugnay sa Russian Interference sa 2016 U.S. Presidential Elections.
Nasabi niya kasi sa pagdinig na minsan ay kailangan niyang magsabi ng “white lies” para kay President Trump.
Kilala si Hicks bilang isa malalapit na tauhan at Close Aide ni Trump mula pa noong kanyang Presidential Campaign.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Trump sa kanyang naging serbisyo. Umaasa siyang muling makaka-trabaho si Hicks sa iba pang pagkakataon.
Si Hicks ang ika-apat na Communications Chief ni Trump na nagbitiw sa pwesto.
Facebook Comments