RESIGNED | Courtesy resignation ni Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano, tinanggap na

Manila, Philippines – Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.

Kasunod ito ng kontrobersiya ng ‘Buhay Carenderia Program’ ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, received and accepted na ng punong ehekutibo ang pagbibitiw ni Montano.


Pinuri naman ng Malacañang ang mga hakbang ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na linisin sa korapsyon ang kagawaran.

Nabatid na ipinag-utos ni Puyat ang pagbibitiw ng lahat ng undersecretaries at assistant secretaries hanggang kahapon, May 21.

Facebook Comments