Manila, Philippines – Nagbitiw sa pwesto si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Dominador Say.
Ayon kay Say, aalis siya sa kanyang tungkulin para maisalba si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga maling hinala.
Giit pa ni Say, hindi naman patas na pinupuna palagi ang kalihim dahil lamang sa mga polisiya ng kagawaran lalo at siya ang Undersecretary for Policy and Employment.
Aniya, mabibigyan din ng pagkakataon si Bello na makapili ng tamang tao na papalit sa kanyang pwesto.
Paglilinaw din ni Say na hindi siya ‘pro-management’ at aminado siyang mahirap mag-adjust mula sa legal na perspektibo sa ‘layman’ perspective.
Ang pagbibitiw ni Say ay kasabay sa panawagan ng mga manggagawa na pirmahan ang executive order ukol sa kontraktwalisasyon.
Natanggap na ng Malacañang ang kanyang resignation letter kahapon, April 17.