RESIGNED | Liza Maza, walang inirerekomendang papalit sa kaniya

Manila, Philippines – Hindi nagrekomenda ng ipapalit sa kaniya ang nagbitiw sa tungkulin na si National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza.

Gayunman, hinimok ni Maza si Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng matino at walang bahid na katiwalian na susunod na maging NAPC head.

Sa kaniyang pag-anunsyo ng pagbibitiw sa gabinete ni Pangulong Duterte, sinabi ni Maza na hindi maisusulong ang tunay na paglaban sa kahirapan hanggat patuloy na lumolobo na bilang ng mga nagdarahop sa bansa.


Ayon kay Maza, ngayon wala na siya sa gobyerno, mas makapag pokus na siya para isulong ang tunay na repormang agraryo sa bansa dahil ito ang ugat kung bakit marami ang nakikibaka.

Ipinagmalaki pa ni Maza na sa nagampanan niya ng tama ang paglilingkod sa gobyerno at taumbayan sa loob ng dalawang taon bilang lead convener ng NAPC.

Alas nueve kaninang umaga nang magkausap sila sa telepono ni Special Assistant to the President Bong Go at ipinabatid nito na naisumite na niya ang kaniyang irrevocable resignation kay Pangulong Duterte.

Si Maza ay isa sa natitirang miyembro ng gabinete na nagmula sa makakaliwang grupo.

Facebook Comments