RESIGNED | Ricky Dandan nagbitiw na bilang head coach ng Columbian Dyip

Manila, Philippines – Nag-resign na bilang head coach ng Columbian Dyip sa PBA si Ricky Dandan.

Nais kasi nitong mag-concentrate bilang assistant coach ng UP Fighting Maroons sa darating na season ng UAAP.

Prayoridad ni Dandan na matulungan ang paghahanda ng Fighting Maroons na makapasok sa final 4 ng UAAP.


Nagbitiw si Dandan ilang araw matapos makapagtala ng 4 wins at 7 losses ang Columbian Dyip sa Commissioner’s Cup.

Tumagal lamang ng dalawang conference si Dandan bilang head coach ng Dyip na kung nakapagtala sya ng 5-15 record.

Bahagi si Dandan ng coaching staff ni UP Head Coach Bo Perasol.

Facebook Comments