RESIGNED | Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano, nagbitiw na

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nag-resign na si Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano.

Effective immediately ang pagbibitiw sa pwesto ni Montano matapos umugong ang mga balita na iiwan na niya ang nasabing pwesto sa DOT.

Una nang pinagpaliwanag ni Puyat si Montano kaugnay ng paunang P80 million na bayad para sa Buhay Carinderia Project ng TPB.


Bago nito, nagbitiw din sa pwesto si dating Tourism Secretary Wanda Teo dahil naman sa kontrobersiyal na ad placement sa programa ng kanyang mga kapatid sa PTV 4.

Sabi ni Puyat, magpapatuloy ang paglilinis sa loob ng DOT kaugnay ng mga proyektong hindi angkop na paglaanan ng pondo ng kagawaran.

Facebook Comments