RESIGNED | White House Economic Adviser Gary Cohn, nagbitiw sa pwesto

Amerika – Nag-resign na sa pwesto si White House Economic Adviser Gary Cohn.

Malaki ang naging papel ni Cohn sa 2017 tax overhaul ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Ayon kay Cohn, isang malaking karangalan para sa kanya na mapagsilbihan ang kanyang bansa.


Pinasalamatan naman ni Cohn si Trump sa oportunidad na ibinigay sa kaniya.

Ang resignation ni Cohn ay kasunod ng pahayag ni Trump na magpapatupad siya ng malaking tax tariffs sa steel at aluminum imports.

Nabatid na tutol si Cohn sa nasabing polisiya.

Si Cohn ay dating Presidente at Chief Operating Officer ng investment bank na Goldman Sachs.

Facebook Comments