RESISTANCE ECONOMY | Iran, nagpatupad ng ban sa higit 1,300 import products

Iran – Magpapatupad ang Iran ng ban sa nasa lagpas 1,300 import products.

Ito ay paghahanda sa kanilang ekonomiya para kontrahin ang bantang sanctions ng Estados Unidos.

Ayon kay Industries and Trade Minister Mohammad Shariatmadari, kabilang sa ipagbabawal na import products ay home appliances, textile products, footwear, leather products maging furniture, healthcare products at ilang machinery.


Ang hakbang na ito ay itutulak ang Iran tungo sa pagiging ‘resistance economy’ o magiging self-efficient sa ilang produkto.

Facebook Comments