Resolusyon na bumabawi sa Magna Carta of Filipino Seafarers, pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay ng House of Representatives ang House Concurrent Resolution 23 na bumabawi sa Senate Bill 2221 at House Bill 7325 o panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers mula sa Malacañang.

Ang hakbang ng Kamara ay makaraang hindi matuloy ang pagpirma dito ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na nakatakda sana kahapon.

Paliwanag ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st district Rep. Janette Garin, mayroong probisyon sa panukala patungkol sa hurisdiksyon na kailangan ayusin.


Bunsod nito ay sinabi ni Garin na kailangan muling i-convene ng Senado at Kamara ang bicameral committee upang upang maitama ang naturang problema sa panukala

Tinukoy naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang probisyon sa enrolled bill kung saan inililipat ang hurisdiksyon ng pagresolba sa mga dispute ng mga seafarer mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) patungo sa International Labor Organization.

Facebook Comments