Resolusyon na humihiling na suspindehin ang operasyon ng SMNI, pinagtibay na sa plenaryo ng Kamara

Pinagtibay na sa plenaryo ng House of Representatives ang House Resolution 1499 na humihikayat sa National Telecommunications Commission (NTC) na suspendihin ang operasyon ng Swara Sug Media Corporation na may business name na Sonshine Media Network International (SMNI).

May akda ng resolusyon ay ini-akda ni PBA Partylist Rep. Margarita Nograles at inihain naman sa plenaryo ni Committee on Legislative Franchises chaired by Parañaque City Rep. Gus Tambunting.

Sa inihaing House Resolution 1499 ay binigyang diin ni Nograles na nakagawa umano ng paglabag ang SMNI sa “terms and conditions” ng kanilang prangkisa sa ilalim ng Republic Act 11422.


Bago dalhin sa plenaryo ay tiniyak naman ni NTC Deputy Commissioner Engr. Alvin Bernard Blanco sa ginawang pagdinig ng komite na pag-aaralan nila ang resolution.

Facebook Comments