Resolusyon na humihiling sa Korte Suprema na linawin ang papel ng Senado sa pagbasura sa mga tratado, aprubado na

Sa botong yes ng 12 mga senador at pitong nag abstain ay inaprubahan na ang senate resolution 337 na humihingi ng paglilinaw sa korte suprema sa papel ng senado sa pagbasura ng mga treaty o tratado at mga kasunduang pinasok ng Pilipinas sa ibang bansa.

Kabilang sa mga Senador na bumoto pabor sa panukala ay sina Senate President Tito Sotto III, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri At Sina Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Ping Lacson, Joel Villanueva, Sonny Angara, Nancy Binay, Richard Gordon, at Lito Lapid.

Nag-abstain naman sina Senators Bong Go, Francis Tolentino, Ronald Dela Rosa, Cynthia Villar, Koko Pimentel, Imee Marcos, at Bong Revilla.


Katwiran nila tanging nasa pangulo lang ang poder sa pagbasura ng Treaty bilang Chief Architect ng foreign policy ng bansa.

Ipinaliwanag naman ni Senate President Sotto na ang resolusyon ay hindi para makipag-banggaan sa executive department kundi para humingi ng paglilinaw sa korte suprema sa pagkalas sa anumang kasunduan o tratado na pinasok ng bansa.

Diin naman ni Lacson, ang pagboto pabor sa resolusyon ay hindi laban sa pangulo kundi para sa institusyon na kanilang kinabibilangan.

Facebook Comments