Kinumpirma ni Deputy Speaker Eric Martinez ang pag-ikot ng isang resolusyon sa mga myembro ng PDP-LABAN na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong Vice President sa 2022 elections.
Ayon kay Martinez, isa sa mga kilalang stalwart ng PDP-Laban, humigit-kumulang 30 na myembro ng partido ang lumagda na sa naturang resolusyon.
Naniniwala aniya ang PDP-LABAN sa “continuity” o pagpapatuloy ng mga nagawa ng administrasyon kaya napipisil si Pangulong Duterte na patakbuhin sa pagka-Bise Presidente.
Dagdag pa ni Martinez, nananatiling mataas ang approval ratings ng Presidente, kumpara sa mga nakalipas na Pangulo ng bansa.
Hindi naman matiyak ni Martinez kung batid ng Pangulo ang pinapaikot na resolusyon sa mga PDP-Laban members.
Facebook Comments