Resolusyon na kumikilala sa kabayanihan ng mga first responders, lusot na sa Kamara

Inaprubahan na sa Kamara ang resolusyon na layong kilalanin ang kabayanihan ng mga first responders tuwing may kalamidad.

Ini-adopt sa plenaryo ang House Resolution 1521 na inihain ni Deputy Speaker Camille Villar.

Ayon kay Villar, ang mga first responder ang itinuturing na frontliners sa panahon ng kalamidad kaya nararapat lamang na kilalanin ang kanilang commitment sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino kahit pa ang nakasalalay rito ay ang kanilang kalusugan bunsod pa rin ng COVID-19 pandemic.


Ang nasabing pagkilala ay ibinibigay sa mga ‘men and women in uniform,’ local government units, non-government organizations, private organizations at mga indibidwal na nagpamalas ng katangi-tanging pagtulong sa mga kababayan sa pamamagitan ng relief at rescue operations.

Kinikilala rin sa resolusyon ang partisipasyon ng Philippine Red Cross (PRC) non-government organizations, international humanitarian missions at private individuals para sa patuloy na pagbibigay ng assistance at support sa mga nagiging biktima ng bagyo.

Facebook Comments