Mariing kinondena ng Makabayan bloc ang paggamit ng China ng “military grade laser” sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagresulta ng pansalamanta nilang pagkabulag habang sila ay lulan ng BRP Malapascua sa Ayungin Shoal.
Sa inihaing House Resolution 781 ay hinihikayat ng Makabayan bloc ang House Committee on Foreign Affairs na magsagawa ng imbestigasyon, in aid of legislation ukol sa insidente.
Ayon kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ipinapakita na pag-atake sa PCG personnel ang tunay na karakter ng China.
Ayon kay Brosas, umaasta ang China bilang emperyalista na nagpipilit sumakop sa mga teritoryo at resources ng ibang mga bansa katulad ng Pilipinas.
Ayon kay Castro, kailangan tayong maging upang ang nabanggit na aksyon ng China ay hindi maging mitsa ng sagupaan sa West Philippine Sea kung saan tiyak na madedehado ang mamamayang Pilipino.
Hinggil dito ay iminungkahi ni Castro na magdagdag pa tayo ng coast guard patrols katuwang ang ibang ASEAN countries.
Naniniwala rin si Castro na makatutulong ang International pressure para mapahinto ang mga pag-atake ng China at upang ma-obliga rin itong kilalanin ang nakamit nating 2016 ruling ng Hague tribunal.