Aprubado na ng House Committee on Agriculture ang unnumbered substitute resolution na layong gamitin ang pondo sa rice subsidy sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) na pambili ng palay ng mga local farmers.
Ini-adopt ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga ang resolusyon na layong tulungan ang mga naluluging magsasaka.
Inaatasan ng resolusyon ang National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture na bumili ng palay sa mga magsasaka upang makabawi sa malaking pagkalugi dulot ng pagbuhos ng murang imported ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law.
Hinihiling din na ipamahagi sa mga magsasaka ang aktwal na bigas sa halip na cash.
Si Deputy Speaker at ABONO Partylist Rep. Conrad Estrella III ang nagmosyon na aprubahan ang substitute resolution at iginiit ang agad na pagbibigay tulong sa mga kawawang local farmers.
Naunang inihain sa Kamara ang House Joint Resolution 16 ni Deputy Speaker Lray Villfuerte na pinapagamit ang pondong ₱29 Billion na pondo sa rice subsidy at habang ₱33 Billion naman sa ilalim ng House Resolution 322 ni House Majority Leader Martin Romualdez na pambili ng palay sa mga magsasaka.