Manila, Philippines – Aprubado na ng Kamara ang resolusyon na nag-gigiit sa Estados Unidos na ibalik ang balangiga bells.
Ang pagpasa sa House Resolution 1337 ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ay ginawa ng Kamara sa gitna ng paggunita ng bayan ng balangiga sa 116th year sa madugong bahagi ng Philippine-american War.
Sa gitna ng digmaan, tinangay ng mga sundalong kano ang Balangiga bells bilang war trophies.
Dalawa dito ay naka-display pa sa trophy park sa Warren Air Force sa Wyoming habang ang ikatlong Balangiga bell ay nasa camp red cloud, ang US base sa South Korea.
Mahalagang maibalik na aniya ang mga kampanang ito para magkaroon ng closure ang madugong nakaraang ng dalawang bansa.
Higit sa pagiging war souvenir, ang Balangiga bells umano ay napakahalagang bahagi ng pananampalataya ng mga Pilipino lalo na ng mga taga Samar at bahagi ng national heritage ng bansa.