Resolusyon na nagpaparangal at kumikilala sa sports icon na si Lydia de Vega, inihain sa Senado

Inihain sa Senado ang isang resolusyon na nagpaparangal at kumikilala sa tinaguriang “Asia’s Fastest Woman” na si Lydia de Vega.

Sa Senate Resolution 131 na inihain ni Senator Jinggoy Estrada, binibigyang pagkilala ng Senado ang pagiging “national treasure” at “sports heroine” ni De Vega na nagdala ng maraming karangalan sa bansa mula sa marami nitong nakamit na tagumpay sa international sports competition tulad sa Southeast Asian Games, Asian Games, Asian Athletics Championships, at Olympics noong 1980s.

Tinukoy sa resolusyon na ang professional career ni De Vega ay nagbigay inspirasyon sa mga bagong henerasyon ng atleta at sa maraming kabataan na sumali sa sports.


Si De Vega na isa sa mga higante sa larangan ng sports sa bansa ay kabilang sa mga pinakamahuhusay na atleta na nai-produce ng bansa kaya naman malaking panghihinayang ang pagpanaw nito hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa mga Pilipino.

Maliban sa pagkilala ay nagpapahayag din ang resolusyon ng pagdadalamhati at pakikiramay ng Senado para sa naiwang pamilya ni De Vega.

Facebook Comments