Manila, Philippines – Inihain ni Sen. Bam Aquino angsenate resolution no. 348 na nagsusulong na imbestigahan ang sikretong piitan na nadiskubre sa isang istasyon ng pulis sa Tondo, Maynila.
Giit ng Senador, hindi katanggap-tanggap ang kahit anong pang-aabuso ng mga pulis na tila pagsuporta na rin sa nangyayari pagpatay o Extra Judicial Killings sa mga drug suspects.
Ayon pa kay Aquino, layunin ng imbestigasyon na tiyakingprotektado ang karapatan ng mga nakabilanggo sa mga pasilidad ng Philippine National Police.
Mahigpit aniyang ipinagbabawal ang anumang sikretongbilangguan sa ilalim ng bill of rights ng 1987 constitution o republic act 9745 o ang anti torture act.
Kailangang linisin aniya ng PNP ang kanilang hanay parahindi madungisan ang giyera kontra ilegal na droga ng Administrasyong Duterte.
Resolusyon na nagsusulong na imbestigahan ang sikretong piitan na nadiskubre sa isang istasyon ng pulis sa Tondo, Maynila, inihain ni Sen. Bam
Facebook Comments