Cauayan City, Isabela – Pinirmahan na ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III ang resolution number 443 series of 2018 na nasa state of calamity ang probinsya ng Isabela dahil sa pinsalang dulot ng bagyong rosita noong huling linggo ng buwan ng Oktubre.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, ang media consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, sinabi niya na ngayong araw pinirmahan ni Governor Dy III ang ika-lawang deklarasyon ng state of calamity ng probinsya.
Matatandaan na unang nasa state of calamility ang lalawigan ng Isabela noong bagyong ompong na matinding nagbigay ng pinsala sa mga produkto ng mga magsasaka ng Isabela at sumunod naman ang bagyong rosita kamakailan na nagdulot din ng malaking pinsala sa mga magsasaka at infrastructure.
Sinabi pa ni ginoong Santos na unang naaprubahan ang resolusyon ng pagdedeklara na isailalim ang Isabela sa state of calamity dahil sa bagyong rosita sa Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan din ng sponsorship ni SP Member Orlando Tugade ng unang distrito ng Isabela.
Ipinaliwanag pa ni ginoong Santos na dalawang state of calamity na ang Isabela ngunit magkaiba naman umano ang pinsalang dulot ng dalawang bagyo kung saan ay limitado rin ang calamity fund ng bawat bagyo.
Dahil dito ay naghanap na umano ng dagdag na pondo ang pamahalaang panlalawigan para sa calamity fund kung saan ay nakalikom naman umano ng Php400,000,000.00.
At ayon naman umano kay Isabela Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez ay maaring sa buwan ng Disyembre ipapamahagi ang calamity relief assistant para sa lahat ng nabiktima ng nagdaang kalamidad.