Resolusyon na sumusuporta sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership, inihain sa Kamara

Inihayag ng Mababang Kapulungan ang suporta sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na isang kasunduan sa pagitan ng mga bansang miyembro ng ASEAN kasama ang Japan, South Korea, China, New Zealand, at Australia.

Nakasaad ito sa paghahain ng House Resolution 728 na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos at Trade and Industry Committee Chair Mario Vittorio “Marvey” Mariño.

Binigyang diin sa resolusyon ang malaking benepisyo ng ratipikasyon ng kasunduan para higit na mahikayat ang foreign investment sa bansa at mapalawak ang partisipasyon ng Pilipinas sa larangan ng digital services, business process outsourcing, financial services, aerospace, shipbuilding at research and development.


November 15, 2021, nang lumagda ang Pilipinas sa RCEP Agreement na layuning luwagan ng mga bansang kasapi ang kani-kanilang patakaran sa kalakalan at bababaan o aalisin ang buwis na ipinapataw sa mga produkto, serbisyo, investment, at e-commerce mula sa labas.

Facebook Comments