MANILA – Natalo sa botohan sa Senado ang resolusyon na layong ideklara na hindi karapat-dapat ilibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.Walong Senador ang bomoto pabor sa panukala kabilang na ang mga naghain ng resolusyon na si Sen. Risa Hontiveros, Bam Aquino, Leila De Lima, Frank Drilon, Francis Pangilinan, Grace Poe, Joel Villanueva at Senate President Koko Pimentel.Komontra naman sa resolusyon sina Sen. Dick Gordon, Gringo Honasan, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Tito Sotto at Chyntia Villar.Habang anim ang nag-abstain o hindi bomoto.Hindi naaprubahan ang resolusyon dahil kailangang pumabor ang majority vote o labing isa (11) sa dalawampung (20) Senador na dumalo sa sesyon.
Facebook Comments