Inaprubahan ng House Committee on Constitutional Amendments ang committee report ukol sa Resolution of Both Houses, na nagsusulong ng Constitutional Convention o Con-Con para sa isagawa ang Charter Change o Chacha.
16-ang bumoto pabor dito, 3-tumutol naman na kinabinilangan ng mga miyembro ng Makabayan Bloc na sina Rep. France Castro, Arlene Brosas at Raoul Manuel.
Nag-abstain naman si House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza, dahil mas pabor siya na isagawa ang pag-amyenda sa 1987 constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Con-Ass.
Kabilang naman sa mga amyenda na ipinasok ay mula kay Iloilo Rep. Lorenz Defensor na maliban sa “elected delegation,” ay isasama sa Con-Con ang mga “appointed.”
Facebook Comments