Resolusyon ng DOJ sa kaso ng MPD laban kay hazing suspect John Paul Solano, naudlot

Manila, Philippines -Naudlot ngayong araw ang paglabas ng resolusyon ng Department of Justice sa kasong isinampa ng Manila Police District laban kay hazing suspect John Paul Solano.

Ayon sa DOJ, posibleng bukas pa ilabas ang nasabing resolusyon dahil tatlo ang kailangang pumirma sa isang inquest resolution.

Ang una ay ang inquest prosecutor na nangasiwa sa inquest proceedings, ikalawa ay ang Senior Deputy State Prosecutor na pipirma bilang recommending approval, at ikatlo ay si Officer in Charge Prosecutor General Jorge Catalan.


Sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ng mga piskal ang kaso ni Solano.

Kagabi, una nang nabanggit ni Catalan sa pagdinig sa Senado na hindi tamang isailalim si Solano sa inquest proceedings dahil siya ay kusang sumuko.

Isinasailalim lamang kasi sa inquest proceedings ay ang isang respondent na naaresto sa bisa ng warrant less arrest.

Facebook Comments