Resolusyon ng IATF na payagan nang makapag-travel ang mga full vaccinated ng walang COVID-19 testing, tinutulan ng LPP

266

Nababahala ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan maaari nang makapag-travel kahit walang COVID-19 testing ang mga local tourist na fully vaccinated na.

Sa interview ng RMN Manila kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., umapela sila sa IATF na ipatupad pa rin sa mga local traveler ang antigen o RT-PCR testing bilang requirement.

Binigyang-diin ni Velasco na kahit bakunado ang isang tao ay hindi pa rin ito garantiya na 100% protektado sa COVID-19.


Aniya, nais din nilang protektahan ang mga lalawigan lalo na’t tumataas ang kaso ng COVID-19 sa mga probinsya at posibleng dulot ito ng mga variant.

Facebook Comments