Pagbobotohan na ngayong araw ng mga miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa resolusyon ng Iceland para maimbestigahan ang giyera kontra droga sa Pilipinas.
Itinakda ang botohan mamayang alas-6:00 ng gabi (oras sa Pilipinas).
Ang UNHRC ay may 47 bansang miyembro kabilang ang Pilipinas.
Kaugnay nito, pumalag ang Malacañang sa Amnesty International (AI) dahil sa pag-uudyok nito sa UNHRC.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – walang basehan ang mga alegasyon ng Amnesty International lalo na ang 27,000 ang namatay sa war on drugs.
Hinamon ng Palasyo ang Amnesty International na maglabas ng facts at figures sa umano’y datos ng extra judicial cases at ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.
Una nang iginiit ng Amnesty International na nakuha nila ang datos mula sa Philippine National Police o PNP kung saan sa probinsya ng Bulacan naitala ang pinakamaraming namatay.