Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang House Resolution number 1337 na nagpapahayag ng suporta sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos ng Amerika na ibalik ang Balangiga bells sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Eresnto Abella, ngayon ginugunita ang 116th anniversary ng kabayahihan ng mga Pilipinong nakipaglaban sa Balangiga Eastern Samar laban sa Amerika.
Dahil dito ay muling nanawagan ang Malacañang na dapat ay ibalik na ng goyerno ng Estados Unidos ang dapat ay sa Pilipinas.
Paliwanag ni Abella, ang Balangiga bells ay mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas at ang pagbabalik nito ay bubuo sa ala-ala ng ating pagiging isang bansa.
Mamaya ay dadaluhan ni Pangulong Duterte ang selebrasyon ng anibersaryo ng Balangiga encounter sa Balangiga, Eastern Samar.